kahapon ko napatunayang nasa law school na nga ako. palibhasa nasanay ako sa college na kapag sinabing 3 hours ang klase, usually 2 hours lang o kung parepareho kayong tamarin nung prof, 1 hour and 30 minutes lang nagbobolahan pa kayo. samantalang dito sa law school, kapag sinabing 3 hours, 3 hours talaga at mag eextend pa ng 30 minutes to 1 hour. hindi maganda ang feeling na straight yung klase mo at wala ka pang lunch.
make up class sa Persons (5 units) 1-3 pm, nagextend pa si Dean Aligada (my mentor) ng 3:30 eh nasa labas na si Atty. Sandoval (my inspiration na magmemorize at maging codal baby) for our 3-5 Political law class (4 units). panalo diba. so in short, hilong-hilo na ako, tatawagin pa ako para magrecite. sa wakas, di ko na natiis. bahala na. 5:30 nya na kami pinalabas para sa Crim law class namin (5-8) kay Justice Sandoval (mahal ng 1A yan).
di na ako nakatiis. lumabas ako at pumuntang jollibee. mahaba pila at namimilipit na ako sa gutom. huli kong kain 9 am. pamatay. walang poise kong kinain ang jolly hotdog habang tumatawid ng Dapitan at papasok sa Main Building.
walang poise poise sa taong gutom. :)
after class. ayun. nagpaphotocopy pa ng marami ulit babasahin para sa FINALS sa poli bukas.
reviewing for the finals is another story. (wag nyo akong gagayahin. hahaha)
buti na lang. sa gitna ng pagpapahotocopy ng napakakapal na babasahin, may isang text na dumating. (actually madaming text. haha). isang answered prayer. :)
tumingin ako sa langit, sabay sabing: "Lord, thank you. thank you talaga. okay na ako. okay na ako." :)
sabay nakangiting sumakay ng jeep papuntang P.Noval.
alam na. :)
P.S. it amazes me on how GOD knows the desire of my heart. minsan tinatanong ko sa sarili ko if I really deserve this favor and grace from Him. Para kasing everytime feeling ko nahihirapan na ako, He would always send me someone to make me smile and to make me feel special. Thank you Lord. :) I love you.
paano na lang ako magsusurvive Lord, kung wala ka.






No comments:
Post a Comment