pwedeng payakap?
ive been like running in circles and i don't know what i want.
actually i do know what i want but i also know i can never have it.
para kasi akong nasa gitna ng mall, nilapitan ng isang mayamang ale na may dalang Hermes bag. pinahawakan sakin saglit at iniwan ako. yung mga taong dumaraan sa harap ko feeling nila ang yaman ko. yung mga kaibigan ko akala nila akin yung bag. so lahat ng tao ineexpect na masaya ako kasi nasa akin yung Hermes bag. pano naman sila maniniwalang di yun akin eh hawak ko nga diba. kami lang nung bag yung nakakaalam na hindi sya akin. oo nga. hawak ko nga sya, pero yung laman ba pwede kong pakialaman? hindi diba. hanggang hawak lang naman ako eh. maya maya kukunin na rin sya ng talangang nagmamay ari sa kanya. wala na akong pakialam kung magpapathank you man o hindi, ang alam ko lang, umasa akong sana akin na lang yung hermes bag. sana ako na lang may-ari.
siguro. sa lahat ng bag na meron ako. yung hermes bag na yun talaga ang iingatan ko. aalagaan at pahahalagahan. tagal kong hinintay eh. pero ayun nga. hindi naman kasi sya sakin.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)






No comments:
Post a Comment