call me BUJOY

My photo
bujoy is my pseudo-name. this is my escape to reality.
Feeds RSS
Feeds RSS

Wednesday, October 20, 2010

istarbaks.

sa isang daang piso.

wala parin akong istarbaks na kape pero meron na akong siomai rice, manggang maasim, iskrambol, isang oras na facebook sa compshop, isang set na photocopy at pisbol at kikiam. 

minsan naiisip ko bakit nga ba ako gumagastos ng higit sa isang daan para sa mainit na kapeng lumalamig din o malamig na kapeng natutunaw din. 

pwede namang kumuha ng baso at magtimpla ng nescafe o kahit ano pero eto ako, di mapigilan ang paghigop sa napakasarap na white chocolate mocha hot. 

minsan iniisip ko kung bakit ba ako nagpapakatali sa gusto ko kahit mahal. kahit magastos. kahit mahirap imaintain. mawawala din naman to eh. pero mapipigilan ko nga ba ang sarili ko?. parang hindi. (at parang hindi na yung istarbaks kong kape ang tinutukoy ko.) hahaha. :) 

okay naman ako. mas okay na atang ganito. 


No comments:

Post a Comment