call me BUJOY

My photo
bujoy is my pseudo-name. this is my escape to reality.
Feeds RSS
Feeds RSS

Thursday, October 14, 2010

dear law school

...................
dear law school.

mahal kita. simula bata pa ako, pinangarap na kita. highschool pa lang bukambibig na kita at nung college, pinapangarap na kita. pero bakit ganun. ngayong kasama na kita, parang nasasakal ako sa mundo mo. gusto ko mang mag-enjoy pero parang hindi ko kayang sakyan ang mga demands mo. I am trying my best pero bakit ganun, parang laging kulang. Hindi naman siguro sobrang taas ng standards mo... hindi ko lang talaga kaya panindigan. Mahirap pala magmeasure up sayo lalo na kung katulad kong baguhan at hindi pa handa.

mahal kita. ayokong mawala at mahiwalay sayo pero bakit ganito. parang walang patutunguhan tong oras na binibigay ko sayo at itong mga effort ko.. ayyy wait. nag eeffort nga ba ako sayo? sapat na nga ba ang oras na binibigay ko? parang hindi. parang inuuna ko pa rin ang sarili ko kesa sayo. feeling ko nga...

its not you. its me.

oo. anak ng kalbong tupa. ako nga ang may problema. bakit ba ako nagrereklamong pinagbabasa mo ako ng makapal ng libro at kulang ang oras eh nung panahong dapat nag-aaral ako eh, natutulog ako o nagpapakasaya.

hay law school. mahal kita. at alam kong mahal mo ako, kaya mo ako tinuturuan.

now i know why GOD led me here. do discover more about myself and to discover what matters most in my life..

love,
bujoy

No comments:

Post a Comment