oh ano. maghapon na lang ba tayong magtititigan dito?
gusto ko lang ipaalala sayong hindi sapat na iniisip mo lang ako. gumawa ka naman ng paraan para maparamdam saking pinapahalagahan mo ako.
lagi ka na lang busy dyan sa iba mong inaaral, nagrereklamo ba ako? hindi. kaya nga wag ka mainis kapag nagdedemand ako sayong pansinin mo naman ako at pahalagahan.
konting oras lang hinihingi ko sayo, di mo pa ako mapagbigyan. kaya sige na, tama na yang pag-iisip mo at pag-aalibi. tama na yang mga excuses mo.
GAWIN MO NA AKO!
Nagmamahal,
-LEGRES FINAL PAPER.
Sunday, October 10, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)






No comments:
Post a Comment