call me BUJOY

My photo
bujoy is my pseudo-name. this is my escape to reality.
Feeds RSS
Feeds RSS

Tuesday, November 23, 2010

masarap maging single

isang araw magigising ka na lang na alam mong tapos na.
alam mong nabuhay at mabubuhay ka na okay, nandyan man sya o wala.
siguro kailangan nating matuto na mabuhay mag-isa para matuto tayo mag-alaga ng iba.
kailangan matuto tayong maging okay para makatulong sa ibang nangangailangan.
wala namang masama masaktan, minsan kasi, natututo tayo after nating madapa.
walang masama. walang masama na maramdamang nag-iisa.

dahil kapag nag-iisa tayo. tahimik ang paligid. lahat pwede maisip.
at kapag pagod na tayo mag-isip ng kung anu-ano, marerealize nating okay tayo.
nandyan Siya sa tabi natin. kumikilos sa ating buhay, alam man natin o hindi.

nandyan Siya para ipaalala sating hindi tayo nag-iisa. na may nagmamahal satin.
kaya masarap maging single eh, dun mo makikitang hindi dapat sa iisang tao umiikot ang mundo mo.
makikita at mararamdaman mong maraming nagmamahal sayo at na marunong kang magmahal ng walang hinihintay na kapalit.

masarap maging single dahil masarap maramdaman ang pagmamahal ni GOD.

No comments:

Post a Comment