maybe its wrong to say please love me too because i know you'll never do.
mahal kita kaya lang tama na. hindi na tama ang patuloy na ganito, ang pag-iisip kung ano ka, ano ako, ano tayo. hindi naman mutual understanding dahil walang understanding in the first place. hindi ko nga maintindihan kung bakit masyado kitang iniisip o masyado kong nilalagyan ng meaning yang mga ginagawa mo o yung mga nangyayari. okay na ako sa malayo eh, malayong paghanga, bakit ba kasi lumapit ka pa. ayan tuloy, di ko naman mapipigilan ang sarili kong umasa. at di ko ring mapipigilan ang sarili kong masaktan tuwing nakikita kong kahit andun ako sa tabi mo, iba parin ang hinahanap mo.
naglolokohan lang ba tayo?. pinaparamdam mo saking andyan ka pero meron kang mahal na iba. sasabihin kong wala lang, okay lang ako pero ang totoo hindi naman. pero ngayon eto na. matapos ang ilang taon, nagising na ata ako sa katotohanang wala na.
tama na. mahal kita. pero pagod na ata akong umasa. actually wala naman tong kinalaman sayo eh. haha. wala namang magbabago sa kung anong meron tayo. siguro akin lang to.
maybe i got over the phase of being in love with love itself.
so there.






No comments:
Post a Comment