call me BUJOY

My photo
bujoy is my pseudo-name. this is my escape to reality.
Feeds RSS
Feeds RSS

Thursday, November 11, 2010

grades na bukas.

wala ng sasakit pa sa masakit na katotohanan.

bukas ko na makikita ang grades ko. kung pano ko hinandle ang first sem ko dito sa lawschool. wow. nakaone sem na ako pero pakiramdam ko, baguhan pa ako. siguro nga, you can never be too ready sa law school. anyway. hindi ko alam ang ieexpect ko. natatakot akong makita na hindi talaga ako pang-law school dahil shocks, hindi ko alam kung anong gagawin ko kung hindi ako para dito. 

buong buhay ko ata, pinangarap kong magsabi ng "objection, your honor" o makipagdebate kung sinu-sino o kaya naman eh magbasa ng mga kaso. 10 years old pa lang ako, fascinated na ako sa Revised Penal Code. Nasabi ko na bang enjoy akong nagbabasa ng mga kaso ng tatay ko. shocks. baka di ko kayanin kung malalaman kong hindi ako para dito. na hindi ako pang law school.



mas matatanggap ko atang sabihin sakin na hindi na ako papayat kesa naman sabihin saking kahit kelan hindi ako magiging abogada.

****************
GOD,
pinanghahawakan ko ang sinabi mo sakin bago ako pumasok dito... "bloom to where i am planted..".. eto naman ako ah.. tulungan mo lang ako. :)




No comments:

Post a Comment